iBus system para sa loading/unloading zones nais ipatupad ng MMDA

MANILA, Philippines - Pinag-aaralan ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung maaaring maipatupad at magiging akma sa Kamaynilaan ang paggamit ng tek­ no­lohiyang “iBus (intelli­gent bus) system” para sa maayos­ na “loading/un­loading” ng mga pampasaherong bus sa mga nakatakdang loading bays.

Kahapon, bumisita kay Chairman Francis Tolen­tino sina Filipino inventors Elma Arboleras na kasama si Rodel de Guzman na umimbento ng iBus system na na­nalo ng parangal sa Bri­tish Invention Award for 2011 sa London para sa “Outstanding Contribution and Application of Innovation for the Public Transport System”.

Sinabi ni Arboleras na talagang nilikha nila ang iBus system para ma­­ isaayos ang sistema ng pagbababa at pagsasa­kay ng mga pampasaherong bus at matigilan ang mga pasaway na dri­­­ver na “over­staying” sa mga loa­ ding bays na kanilang na­obserbahan sa Metro Manila at isa sa pangunahing sanhi ng lubhang pagbubuhol ng trapiko.

Pinanood nina Tolentino ang video footage kung paano gumagana ang iBus system. Gumagamit ang sistema ng “machine readable tags” na maa­aring ikabit sa pintuan ng mga bus na mababasa ng mga makina sa mga bus stops. Matutukoy nito kung angkop ang posisyon ng bus sa kanilang pagbababa ng pasahero at pagsasakyan kung saan mabubuksan ang pintuan kung nasa tamang porma.

Maaari naman uma­nong ma-override ang sis­tema sa oras ng emergency ngunit kailangan pa itong makumpirma ng MMDA Metrobase.

Ipinangako ni Tolentino na ipiprisinta nila ang naturang proyekto nina Arboleras sa mga kinatawan ng Metro Manila bus operators kung magi­ging katanggap-tanggap ito. Ngunit habang hindi epektibo, nasa ilalim pa ito ng pag-aaral kung saan susubukan muna ang kon­septo sa 10 buses na bumibiyahe sa EDSA.

Show comments