^

Bansa

Ebdane ipapakulong din ng DOJ

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Inihayag ni Justice Secretary Leila De Lima na oras na matapos nila ang imbestigasyon ng dayaan sa halalan noong 2007 ay agad nilang isusunod ang naganap na election sabotage noong 2004 kung saan ang isa sa pangunahing itinuturo sa pandaraya  ay si Zambales Gov. Hermogenes Ebdane Jr.

Ayon kay De Lima, sa susunod na mga araw ay dapat ng asahan ng lahat ng taong nasa likod na dayaan sa election noong nakalipas na administrasyon ang pagsasampa ng kasong electoral sabotage laban sa kanila.

Sa interview ng mga mamahayag sa anibersaryo ng NBI kamakalawa ay sinabi ng kalihim na puspusan at patuloy ang imbestigasyon ng joint  DOJ-Comelec panel­ sa pagbusisi sa lahat ng hawak nilang ebidensiya at testimonya ng mga testigo.

Si Ebdane ay magugunitang derektang tinukoy ni Sr. Supt. Rafael Santagio na siyang nasa likod ng naganap na ballot switching ng mga original ERs sa House of Representatives noong hepe pa siya ng Philippine National Police.

Ang gobernador uma­no ang siyang nag-utos kay Santiago at lima ni­tong tauhan para isa­gawa ang pagpapalit ng balota na galing sa Tawi-Tawi, Sulu, Misamis Occidental at Lanao del Norte.

vuukle comment

DE LIMA

HERMOGENES EBDANE JR.

HOUSE OF REPRESENTATIVES

JUSTICE SECRETARY LEILA DE LIMA

MISAMIS OCCIDENTAL

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RAFAEL SANTAGIO

SI EBDANE

SR. SUPT

ZAMBALES GOV

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with