^

Bansa

EDSA gustong ipangalan kay Cory

- Ni Butch Quejada/Gemma Garcia -

MANILA, Philippines -  Bilang pagkilala sa yumaong dating Pangulong Corazon Aquino, isinusulong sa Kamara ang pagpapalit ng pa­ngalan ng Epifanio delos Santos Ave­nue (EDSA) sa pangalan ng yumaong pangulo.

Sa House Bill 5422 ni Bohol Rep. Rene Re­lampagos, nais nitong ga­wing Cory Aquino Ave­nue ang pangalan ng EDSA bilang­ pagkilala dahil ito umano ang kauna-una­hang babaeng presidente­ at isa sa pangunahing per­sonalidad sa naganap na 1986 Edsa revolution.

Nakapaloob sa panu­kala ang pagbasura sa Republic Act 2140. Ang RA 2140 ang naging­ daan para ipangalan ito sa Edsa noong 1959. Bago naging EDSA, ang pangalan ng kalsada ay Highway 54 na may habang 24 kilometro at isa sa pinaka abalang kalsada sa Metro Manila. Naging EDSA lamang ito sa bisa ng RA 2140. Si Epifanio delos Santos ay isang Filipino historian. 

Kinontra naman niBayan Muna Rep. Teddy Casino ang panukala na tinawag niyang historically problematic.

Niliwanag nito na ang naganap na pag-aalsa sa EDSA ay hindi tungkol kay Cory kundi sa mga taong nakibaka laban sa da­ ting pangulong Ferdinand Marcos­ upang makamit ang kalayaan ng bansa.

Mungkahi naman ni House Minority Leader Edcel Lagman, mas ma­buting gamitin na lamang ang pangalan ng yumaong pangulong Cory Aquino sa isang kalsada sa Tarlac.

Ang panukala ay inihain noong Oktubre 13 at ipinadala na sa House committee on public works and highways para pag-usapan.

BOHOL REP

CORY AQUINO

CORY AQUINO AVE

EDSA

FERDINAND MARCOS

HOUSE MINORITY LEADER EDCEL LAGMAN

METRO MANILA

MUNA REP

PANGULONG CORAZON AQUINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with