^

Bansa

TRO hinirit ni ex-FG Arroyo sa SC

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Humirit ulit ang kampo ni dating First Gentleman Mike Arroyo sa Korte Suprema na maglalabas ng temporary restraining order (TRO) kaugnay sa kinukuwestiyong legalidad ng DOJ-Comelec Investigating Committee upang mapawalang-saysay na rin ang lahat ng isinagawang proseso ng Comelec sa pagsasampa ng kasong electoral sabotage.

Sa 12 pahinang “Very Urgent Motion For Immediate Issuance of a Temporary Restraining Order and with Prayer for Immediate Resolution of the Petition”, nais ng dating Unang Ginoo, sa pamamagitan ni Atty. Ferdinand Topacio, na agad nang mag-isyu ang Mataas na Hukuman ng TRO laban sa kinukuwestyong komite.

Iginiit ni Topacio na iligal ang pagbuo ng fact finding team na nag-imbestiga sa sinasabing dayaan noong 2007 elections at nagrekomenda sa pagsasampa ng kasong electoral sabotage laban sa dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at 3 iba pa.

Kasabay nito, hiniling din ng abugado ng dating Unang Ginoo na ipawalang-saysay ang naging pasiya ng Comelec en banc na nag-apruba sa pagsasampa ng kaso sa Pasay Regional Trial Court (RTC) ng electoral sabotage noong Biyernes dahil ibinatay ito sa resulta ng imbestigasyon ng Joint DOJ-Comelec Committee, na kuwestiyunable pa ang legalidad.

Una nang sumaklolo ang SC sa mag-asawang Arroyo nang maglabas ito ng TRO laban sa watchlist order ng Bureau of Immigration sa utos ng DOJ.

BUREAU OF IMMIGRATION

COMELEC

COMELEC COMMITTEE

COMELEC INVESTIGATING COMMITTEE

FERDINAND TOPACIO

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

IMMEDIATE RESOLUTION OF THE PETITION

KORTE SUPREMA

UNANG GINOO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with