^

Bansa

1,020 namamatay kada buwan dahil sa aksidente sa kalsada

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Umaabot umano sa 1,020 katao ang namamatay sa mga pangunahing kalsada sa buong bansa dahil sa mga aksidenteng nagaganap na kinasasangkutang ng mga sasakyan.

Ito ang sinabi ni Elvira Medina, president ng National Center for Commuters Safety sa ginanap na Communication and News Exchange (CNEX) Forum na inorganisa ng Philippine Information Agency (PIA).

Nangunguna sa mga sasakyang palaging nasasangkot sa aksidente sa mga kalsada ay ang motorsiklo kaya’t napapanahon aniya ang pagpapatupad ng motorcycle lane sa kahabaan ng Macapagal at Commonwealth Avenues ng administrasyon ni Pa­ngulong Aquino.

Base pa sa datos, lumalabas na 34 katao kada araw ang namamatay sa mga naturang aksidente.

Bunsod nito, pangungunahan ng kanilang ahensiya ang pagpapatupad ng “World Remembrance for Road Victims Programs” na isa sa panukala ng United Nations (UN) na naglalayong mapaalalahanan ang mga motorista ng kanilang responsibilidad sa pagmamaneho.

Sa naturang programa, iba’t-ibang aktibidades ang nakahanda para sa mga dadalo na gaganapin sa SM Mall of Asia concert grounds ngayong araw, November 20.

COMMONWEALTH AVENUES

COMMUNICATION AND NEWS EXCHANGE

COMMUTERS SAFETY

ELVIRA MEDINA

MALL OF ASIA

NATIONAL CENTER

PHILIPPINE INFORMATION AGENCY

ROAD VICTIMS PROGRAMS

UNITED NATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with