^

Bansa

Magagaling na abogado ni Arroyo tatapatan ng Palasyo

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni deputy presidential spokesperson Abigal Valte na nakahanda ang gobyerno na tapatan ang magagaling na abogado ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa sandaling gumulong na ang pagdinig sa kasong electoral sabotage na nakasampa sa Pasay City Regional Trial Court.

Ayon kay Valte, siguradong gagawin ng Office of the Solicitor General ang lahat ng kanilang makakaya upang maipanalo ang kaso laban kay Arroyo.

“Our OSG (Office of the Solicitor General) will certainly do its best in all the cases that it represents government on,” sabi ni Valte.

Nakatitiyak din si Valte na hindi magkakaroon ng delay sa pagdinig ng kaso ni Arroyo kahit pa natapat ito kay Pasay City judge Jesus Mupas na napaulat na pinagmulta ito ng P10,000 ng Supreme Court noong 2008 dahil sa matagal na pagbaba ng hatol sa isang kaso.

Ipinauubaya na rin uma­no ng Malacañang sa Department of Justice kung ano ang gagawin kay dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo na inaakusahan din ng katiwalian.

ABIGAL VALTE

DEPARTMENT OF JUSTICE

FIRST GENTLEMAN JOSE MIGUEL ARROYO

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

JESUS MUPAS

OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL

PAMPANGA REP

PASAY CITY

PASAY CITY REGIONAL TRIAL COURT

VALTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with