CGMA naghain ng urgent motion
MANILA, Philippines - Nagpapasaklolo si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo sa Korte Suprema matapos itong maghain ng panibagong motion upang atasan ang Department of Justice (DOJ) at Bureau of Immigration (BI) na payagan silang magtungo sa ibang bansa alinsunod na rin sa pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO) sa watchlist order.
Sa 12-pahinang urgent motion, nais ni Gng. Arroyo na atasan nito ang DOJ at BI na payagan silang makapagbiyahe.
Plano ni Gng. Arroyo na mag-abroad upang humanap ng medical treatment sa kanyang sakit na hypoparathyroid disorder, cervical spine problem at bone mineral deficiency.
Nakasaad din sa motion na sumunod si Gng. Arroyo sa kondisyon ng korte kung saan naglagak ito ng P2 milyon; Special Power of Attorney na nagtatalaga ng kanyang kinatawan na tumanggap at magproseso ng summons habang nasa ibang bansa ito, at formal undertaking na magre-report ito sa Philippine consulates at embassies sa mga ban sang kanyang pupuntahan.
Nabatid na ilan sa mga Immigration offcers na humarang at pumigil sa kanilang pag-alis ay sina immigration Acting Executive Director Eric Dimaculangan, Legal officer Atty. Rodulfo Pio III, at isang nagngangalang “Mr. Vizconde”.
Lumilitaw na nabigo ang mga ito na ipakita ang kopya ng direktiba ni de Lima noong Martes.
- Latest
- Trending