Solar power masyado pang mahal
MANILA, Philippines - Isinaisantabi muna ng Department of Energy (DOE) ang pagpapaunlad ng “solar power energy” sa bansa dahil sa sobrang mahal pa nito para mapakinabangan ng husto ng mga Pilipino.
Sa pahayag ni Energy Secretary Jose Rene Almendras sa ginanap na Energy Forum sa Davao City kamakailan, mas binibigyan ng atensyon ngayon ng DOE ang pagdebelop sa iba pang alternatibong “renewable energy source” tulad ng biomass at wind power kaysa sa solar power.
Una na ring kinontra ni Senador Sergio Osmena III ang plano ng National Renewable Energy Board (NREB) na tutukan ang solar power na gugugulan ng P1.7 bilyon. Sinabi nito na napakamahal pa ng nabibiling solar panels at maaari lamang itong idebelop sa pagkatapos ng limang taon kung saan inaasahang bababa ng higit kalahati ang mga solar panels.
- Latest
- Trending