^

Bansa

People power vs GMA, Mike

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon ang dalawang malalakas na grupong militanteng Akbayan at Black and White Movement na People Po­wer na ang haharang sa mag-asawang Gloria at Mike Arroyo kapag nagpumilit lumabas ng bansa.

Ito’y matapos sabihin ng kampo ni ex-President at Pampanga Rep. Gloria Arroyo na hindi sila titigil hangga’t hindi napapaalis ang mag-asawa para ipagamot ang dating Pa­ngulo sa Singapore.

Ang mga Arroyo ay ki­nondena sa tangkang mag-ala-Ramona Bautista na lumipad patungong Turkey matapos masangkot sa pagpatay sa sariling kapatid na si Ramgen Revilla.

Ayon kay Leah Navarro ng Black & White Movement, halatang may tangka si dating Pangulong Arroyo na magsagawa ng disappearing act tulad ng ginawa ni Ramona Bautista.

“Ano ngayon ang ita­tawag natin sa dating Pa­ngulo, Ramona Arroyo?” ta­nong ni Navarro, na nagsabi pang walang bahid paghihiganti ang pagpigil nila sa pag-alis ng mga Arroyo, bagkus ay nais lang nila na manaig ang hustisya at papanagutin ang mag-asawa sa mga kasong kinakaharap ng mga ito.

Sinabi naman ni party-list Akbayan spokesperson Lisa Hontiverso na: “There is a grand conspiracy to protect the Arroyos – a conspiracy involving no less than the eight of the Supreme Court justices. In the TRO of the eight SC justices, they did an otso-otso (a salacious dance move) on the Filipino people and our justice system,” ani Hontiveros.

Ani Hontiveros, pa­yag silang i-contempt ng Korte Suprema basta’t ang ipinag­lalaban nila ay pag-iral ng hustisya.

Mainit namang pinag­sabihan ni Dr. Leo Olarte ang mga abogado ng mga Arroyo na huwag magmarunong pa sa mga doktor.

“I am of the conviction that the ailment of GMA is not serious and that it is not life-threatening. Her lawyers should not make it appear they know better than us as to her true medical condition because they are not doctors,” ani Olarte.

“We, doctors, have the capability and expertise to say whether GMA’s condition is serious or not,” anya pa.

Noong Martes ay na­nawagan ang Akbayan at Black and White Movement sa pagkakasa ng People Power Hold Departure Order laban sa mga Arroyo.

Hinamon rin ni Hontiveros ang walong miyembro ng SC na kumatig sa TRO, sa pangunguna ni Chief Justice Renato Corona, na magbitiw sa tungkulin oras na makaalis ang mga Arroyo at hindi na bumalik ang mga ito.

“If the Arroyos do not come back and rob the people of their right to exact justice, then the public demands no less than their resignation. Since they believe the Arroyos will return, they should put their careers on the line,” sabi pa ni Hontiveros.

AKBAYAN

ANI HONTIVEROS

ARROYO

BLACK AND WHITE MOVEMENT

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DR. LEO OLARTE

HONTIVEROS

RAMONA BAUTISTA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with