Debate sa 'RH' malabo
MANILA, Philippines - Malabong maikasa ngayong taon para mapagbotohan ang kontrobersyal na Reproductive Health bill, ayon kay House majority leader Neptali Gonzales II.
Sinabi ni Gonzales na marami pang nakapilang kongresista na nais na makipagdebate sa isyu sa plenaryo.
“Mga 20 pa yung nakapila,” ani Gonzales na nagsabi na hindi malinaw kung papasa ito o hindi dahil mayroong mga miyembro ng mayorya na hindi pabor dito at mayroon namang mga taga-minorya na pabor dito.
Napag-alaman na ang debate sa nasabing panukala ay itutuloy ng liderato ng Kamara at inaasahan na matatapos ito sa susunod na taon.
Kahapon naman ay inilunsad sa Kamara ang RH Vote Now ng Reproductive Health and Advocacy Network upang maisalang na umano ang panukala sa botohan.
“The RH bill has been one of the most debated bills in the history of the Philippines. Advocates filed it ten years ago in the 12th Congress, and our present legislators have discussed it at length. Opponents are now simply repeating and rewording worn-out charges against the bill. We demand an immediate vote,” ani RH Vote Now! spokesperson at RHAN convener Dr. Junice Melgar.
Sinabi ni Melgar na mahalaga ng RH upang mapangalagaan ang mga babaeng buntis at nagdadalantao.
- Latest
- Trending