^

Bansa

Maagang pamasko ni Sen. Villar sa 3 pamilya

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Masaya at maaga ang Pasko ng tatlong pamilyang pinalad na manalo ng house and lot na ipinamigay ni Villar Foundation Chairman Sen. Manny Villar sa TV show ng kaibigang si Willie Revillame.

Kasama ng anak na si Camille, personal na iniabot ni Sen. Villar nitong Sabado ang susi ng bahay at lot certificate sa tatlong nagwagi ng Camella Homes sa mismong TV program ni Willie  na WilTime BigTime.

Ang dalawang nagwagi ng Camella house and lot ay binunot sa first anniversary ng show ni Willie na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Oktubre 22 at ang pangatlo  ay isang texter na pinalad na mabunot ang pangalan noong Lunes Oktubre 24. Ang mga ito ay sina Lydia Abawag (Araneta Audience) ng Camarin, Caloocan City; Adela Fancubit (Araneta audience) ng Brgy. Holy Spirit, Quezon City; at Sisenando Llamas (texter) ng Mayondon Los Baños, Laguna.

Muli namang nagpasalamat si Revillame sa Senador sa walang sawa nitong pagtulong sa mahihirap at pagtupad sa kanyang pangako na hindi niya tatalikuran ang mga taong naging inspirasyon niya.   

ADELA FANCUBIT

ARANETA AUDIENCE

CALOOCAN CITY

CAMELLA HOMES

HOLY SPIRIT

LUNES OKTUBRE

LYDIA ABAWAG

MANNY VILLAR

MAYONDON LOS BA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with