Pagsuspindi sa bus firms sampol pa lang - LTFRB

MANILA, Philippines - Sampol pa lang ang ginawang pagkansela at pagsuspendi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa 16 na prangkisa ng mga bus company na nakilahok sa tigil pasada noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Ayon kay LTFRB board member Atty. Manuel Iway, patikim pa lamang ang ginawang hakbang at may susunod pang mga batch ang mapapatawan ng parusa.

Sinabi ni Iway, dapat mabigyan ng leksyon ang mga abusadong bus operator na nagkakamali dahil nakasaad sa kanilang prangkisa na tungkulin nitong pagsilbihan ang mga pasahero.

Anya, hindi makataru­ngan na idaan sa tigil pa­sada ang problemang nararanasan ng transport sector.

Show comments