^

Bansa

Anonymous donor nagbigay ng paunang P1-M kay Lanuza

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Nabuhayan ng loob ang isang Pinoy na nakatakdang bitayin sa Saudi Arabia matapos na isang anonymous donor ang nagbigay ng P1 milyon bilang tulong sa kakaila­nganing P35 milyong blood money kapalit ng kanyang kaligtasan at kalayaan.

Kinumpirma ni Roge­lio ‘Dondon’ Lanuza, ang Pinoy na nasa death row sa Saudi, na isang anonymous donor ang nagbigay na ng isang milyong piso.

Bukod sa P1 milyong cash, bawat piso na ido-donate ng bawat indibidwal kay Lanuza ay dodoblehin ng donor.

Una nang inihayag ni Lanuza na may isang may magandang puso ang nagpahayag na magbibigay ng P4 milyon bilang ambag sa blood money sa kabila ng pagbibingi-bingihan ng pamahalaan na siya ay tulungang makalikom ng P35 milyon.

Dahil sa kabagalan ng aksyon, binatikos ng grupong Migrante ang Aquino government dahil sa ipinatutupad na “no money” policy para sa mga OFWs na nasa death row.

Sa ngayon ay wala pa ding naiaambag ang gobyerno sa kakailanga­ning blood money.

AQUINO

BUKOD

DAHIL

DONDON

KINUMPIRMA

LANUZA

NABUHAYAN

PINOY

ROGE

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with