^

Bansa

GMA sagot kita - PNoy

- Nina Rudy Andal, Butch Quejada at Gemma Garcia -

MANILA, Philippines - Sagot daw ni Pangulong Aquino ang gastusin ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kung sa Pilipinas ito magpapagamot.

Ayon sa Pangulo, nakahanda din ang gobyerno na ito ang maghanap ng doktor na espesyalista sa iba’t ibang panig ng mundo na gagamot kay Mrs. Arroyo.

Ipinagtanggol din ni Aquino ang naging desisyon ni Justice Sec. Leila de Lima na hindi payagan si Rep. Arroyo na makalabas ng bansa para magpagamot.

Wika ni PNoy, wala anyang ibang hangad ang nasabing desisyon ng DOJ kundi katarungan dahil mahirap umano na magsagawa ng hearing in absentia at hindi matutuloy ang proseso ng paglilitis kung wala ang akusado dito sa Pilipinas.

Binigyang diin ng Pa­ngulo na may karamdaman si Mrs. Arroyo pero malinaw din aniya na mayroon itong responsibilidad at mga kasong dapat panagutan sa bansa.

Ang malabo lamang umano ayon sa Pangulo ay ang mga rason at kahi­lingan ni Arroyo kung saan hindi raw consistent ang mga bansang inilagay sa affidavit at sa request sa Kamara.

Sinabi rin ng Pangulo na dapat noon pa man ay malinaw kung sino ang dokor na titingin sa kaniya at hindi kung kailan lang lalabas ay saka pa lamang maghahanap ng doktor na magsasagawa ng bone biopsy sa Pangulo.

Ibinasura naman ng kampo ni Arroyo ang alok ng Malacañang na ang gobyerno na ang magdadala ng mga doktor at gagastos sa pagpapagamot sa dating pangulo.

Ayon kay Ma. Elena Bautista-Horn, spokesman at chief of staff ni Arroyo, ipinagpapasalamat nila ang alok ng Palasyo pero iginiit na ipaglalaban pa rin nila ang karapatan ni Arroyo at ng bawat mamamayan na makapagbiyahe sa abroad batay na rin sa itinatadhana ng Konstitusyon.

Ayon pa kay Horn, ibinigay nila ang lahat ng hinihingi ng DOJ subalit tuwing makokompleto umano nila ang hinihingi nito ay nadaragdagan kaya nagpasya sila na dalhin na sa korte ang isyu.

Kung ang gusto lamang umano ni Arroyo ay tumakas, maaari naman umano na maglista sila ng bansa kung saan mayroong extradition treaty ang Pilipinas para mapapayag lamang ang DOJ na bigyan sila ng Allow Departure Order.

“If we want to deceive, we can just put one country where we have an extradition treaty makuha lang naming ang ADO. But we wanted to be transparent, gusto namin maging tapat sa aming pagpapaalam,” ani Bautista-Horn.

Imahinasyon lamang din daw ni de Lima ang sinasabi niyang hindi na babalik si Arroyo kapag pinayagang makaalis ng bansa.

“She is coming back. All a figment of their imagination,” ani Bautista-Horn. “Anong gagawin natin kung hindi siya umuwi, ang dami-dami nilang options sila ang nakaupo sa gobyerno, they are the administration all the power are with them they should not make it appear that they are helpless.”

Duda rin umano sila na kapag tinanggap ang alok ng Palasyo ay maglalatag ito ng mga kundisyon kabilang na ang pagsasampa ng kabi-kabilang kaso kahit walang sapat na probable cause.

Hinala ni Bautista, ginagawa ito ng gobyerno para maabot ang kanilang deadline na makasuhan at maipakulong si Arroyo bago matapos ang taong ito.

vuukle comment

ALLOW DEPARTURE ORDER

ARROYO

AYON

BAUTISTA-HORN

ELENA BAUTISTA-HORN

JUSTICE SEC

KUNG

MRS. ARROYO

PANGULO

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with