^

Bansa

Request ni GMA ibinasura ng DOJ

- Nina Doris Franche, Rudy Andal, Butch Quejada at Gemma Garcia -

MANILA, Philippines - Ibinasura kahapon ng Department of Justice (DOJ) ang kahili­ngan ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na makapagpagamot sa ibang bansa kaugnay ng kanyang idinadaing na sakit sa buto.

“My order is a denial of the request,” saad ni Justice Secretary Leila de Lima.

Sa 11-page decision ni de Lima, sinabi nito na hindi umano siya kumbinsido na kailangan ni Arroyo na magpagamot sa ibang bansa at napansin din nito ang discrepancy o pagkakaiba ng kanyang medical abstract.

Ginamit ding basehan ni de Lima ang findings ni Health Secretary Enrique Ona na patuloy ang paggaling ng dating Pangulo at hindi na kailangang magpagamot sa abroad.

Naging isyu din umano kay de Lima ang paiba-ibang listahan ng mga bansang balak bisitahin ni Arroyo.

“It’s a denial. I am not convinced to the justification for us to grant the request,” ani de Lima. 

Suportado naman ni Pangulong Aquino ang naging desisyon ni de Lima na huwag payagang makalabas ng bansa si Arroyo.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, bago magsagawa ng kanyang press conference si de Lima sa Department of Justice ay nakipagkita muna ito kay Pangulong Aquino sa Malacanang upang ipabatid ang kanyang naging desisyon.

Si Arroyo ay ginagamot sa kanyang pinched nerve at dumaranas din ng hypoparathyroidism at bone mineral disorder.

Kaugnay nito, dumulog na sa Supreme Court ang kampo ni Arroyo para ipatigil ang implementasyon ng watch list order (WLO) na inisyu laban sa kanya ng DOJ.

Sa 41-pahinang petition ni Arroyo sa SC na dinulog sa pamamagitan ng kanyang abogado na si dating Solicitor General Estelito Mendoza, nakasaad na nilabag ng naturang kautusan ang karapatan ng dating punong ehekutibo na makapagbiyahe.

Dahil dito, hiniling ng dating presidente na ipawalang-bisa ng Kataas-taasang Hukuman ang DOJ Circular No. 41 na nagbibigay ng kapangyarihan sa kalihim ng DOJ na ilagay sa immigration watch list ang isang indibiduwal.

Nilinaw din ng da­ting pangulo na sa kabila ng pagkuwestiyon sa lega­lidad ng nabanggit na sirkular ay sumunod pa rin siya sa kahilingan ng DOJ na magsumite ng mga karagdagang dokumento na susuporta sa hinihi­ling niyang Allow Departure Order (ADO) upang makapagpagamot siya sa ibang bansa.

Kabilang dito ang written statement ng kanyang pangakong sakaling matapos ang pagpapagamot ay babalik siya sa Pilipinas; certified true copy ng travel authority mula sa Congress; medical abstract at kanyang mga itinerary kabilang ang kahilingan sa mga doctor ng University of Alcorcon sa Spain, consultation sa Singapore at doctors mula sa University of Aachen sa Germany.

Ang dating pangulo ay inilagay sa watch list order ng Bureau of Immigration dahil sa pagkakadawit sa kasong election sabotage bunsod ng dayaan sa halalan noong 2004 at 2007.

Samantala, pinabibi­lisan ng mga kongresista kay de Lima ang pagsasampa ng kaso laban kay Arroyo kaugnay ng kasong electoral fraud.

Ayon kay Marikina Rep. Miro Quimbo, kailangan paspasan ni de Lima ang preliminary investigation para sa kasong electoral fraud upang maisampa na agad ito sa korte at mabasahan ng sakdal ang dating pangulo.

Sabi ni Quimbo, sa sandaling mabasahan na ng sakdal si Arroyo siguradong gugulong na ang kaso laban dito at maari na itong payagang umalis ng gobyerno.

vuukle comment

ALLOW DEPARTURE ORDER

ARROYO

BUREAU OF IMMIGRATION

CIRCULAR NO

DATING

DEPARTMENT OF JUSTICE

KANYANG

LIMA

PANGULONG AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with