MANILA, Philippines - Nagreport ang Banco De Oro Unibank, Inc. (BDO) ng net income na P7.6 bilyon sa unang siyam na buwan ng 2011. Ito ay mas mataas nang 19 na porsiyento kumpara sa P6.4 bilyon na kinita ng bangko sa kaparehang period nung isang taon.
Nagkaroon ng record performance ang BDO kahit pa mahirap ang operating environment sa bansa at sa ibayong dagat. Dahil na rin sa economic developments ngayon sa Europa at sa Estados Unidos, magpapapatuloy pa rin ang maingat na posisyon ng BDO.
Nagtala din ng above-industry growth rates ang bangko pagdating sa lending operation nito na umakyat nang 24 percent sa P620.8 bilyon kumpara sa 19 na porsyentong growth rate sa buong industriya. Lahat ng market segments ng BDO ay nag-rehistro ng magandang paglago kumpara nung isang taon. Ang kabuuan ng mga deposito na P820.6 bilyon ay lumaki nang 15 porsyento dahil sa low-cost deposits mula sa expanded branch network nito. Ang system liquidity lang ang patuloy na nag-compress ng asset yields habang ang net interest income ay bahagyang umakyat sa P25.7 bilyon.
Dahil na rin sa malakas na paglago ng asset and wealth management, payments, electronic banking, insurance at capital markets, ang recurring fee-based income ng bangko mula sa mga service businesses nito ay umakyat din ng 17 na porsyento sa P8.8 bilyon.