^

Bansa

Libreng sakay bigay ngayon ng MMDA

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Magbibigay ng libreng sakay sa kanilang mga bus ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-36 anibersaryo ng ahensya simula nang maitatag ito noong taong 1975.

Magpapakalat ng ilang bus ng MMDA sa EDSA ang ahensya upang magsakay ng mga pasahero sa magkabilang dulo ng naturang highway.

Uumpisahan ang selebrasyon ng anibersaryo sa 5-kilometrong fun run ng nasa 500 tauhan ng MMDA sa pangunguna ni Chairman Francis Tolentino sa Bonifacio Global City dakong alas-5:30 ng madaling araw. Susundan ito ng seremonya sa MMDA grounds sa EDSA-Orense street sa Makati City na inaasahang dadaluhan ng mga alkalde at kinatawan ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

Unang nilikha ang MMDA sa pamamagitan ng Presidential Decree 824 na inisyu ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong Nobyembre 7, 1975 na unang tinawag na Metro Manila Commission. Binuo ang Metro Manila ng lungsod ng Maynila, Quezon City, dalawa pang lungsod, 12 munisipalidad buhat sa Rizal at isang bayan sa Bulacan.

Noong Enero 9, 1990, pinalitan ng pangalan ang MMC na Metro Manila Authority (MMA) sa pamamagitan ng Executive Order no. 392 ni dating Pangulong Corazon Aquino kung saan si Vice-President Jejomar Binay ang unang chairman nito.

vuukle comment

BONIFACIO GLOBAL CITY

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

EXECUTIVE ORDER

MAKATI CITY

METRO MANILA

METRO MANILA AUTHORITY

METRO MANILA COMMISSION

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NOONG ENERO

PANGULONG CORAZON AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with