^

Bansa

Kauna-unahang 'Peace Agong' inilagay sa QC

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Magkasamang inilunsad ng Muslim at Kristiyano ang ang paglalagay ng kauna-unahang Peace Agong sa buong bansa para sa tunay na kapayapaan sa Mindanao, kahapon ng umaga.

Kasama si dating Rep. Mujiv Hataman ng Anak Mindanao Partylist, Sitti Djalia Turuban Hataman, Exe­cutive director ng National Commission on Muslim Filipinos at si Quezon City Mayor Herbert Bautista, inilagay ng mga ito ang Peace Agong malapit sa Peace Bell sa loob ng Quezon City Cirle at pinatunog ito sa pamamagitan ng pagpukpok upang ipanawagan ang kapayapaan sa Mindanao.

Ang pagpapasinaya sa Peace Agong ay kasabay na rin sa pagdiriwang ng EID’L ADHA kung saan halos­ 300 katao na Kristiyano at Muslim ang tumunghay dito at sabay-sabay na nanawagan ng “Sakripisyo sa Kapayapaan at Kapayapaan sa Kapayapaan”.

Ayon kay Hataman, kanilang sinusuportahan ang all-out-justice ni Pangulong Nonoy Aquino at hindi all-out war na siyang bukambibig ng mga oposisyon.

“Hindi naman sila ang matatamaan sakaling matuloy ang sinasabi nilang all-out war kungdi kami, kami na nakaranas na ng giyera, sino ang laging kawawa sa labanan na ito ang mga civilian” sabi ni Hataman.

Nabatid na ilan sa dumalo sa nasabing programa ay galing pa sa Mindanao at ilang libong milya pa ang bini­yahe ng mga ito upang ipakita ang sinseridad sa pagsusulong ng kapayapaan sa Mindanao.

ANAK MINDANAO PARTYLIST

HATAMAN

KAPAYAPAAN

KRISTIYANO

MINDANAO

MUJIV HATAMAN

MUSLIM FILIPINOS

NATIONAL COMMISSION

PANGULONG NONOY AQUINO

PEACE AGONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with