23 Pinoy na dinukot sa Nigeria, pinalaya na

MANILA, Philippines - Pinalaya na ang 23 tripulanteng Pinoy na lulan ng isang oil tanker na naiulat na hinayjack ng mga West African pirates kamakailan.

Sa report na nakarating sa Department of Foreign­ Affairs (DFA), ang Malta-flagged oil tanker MT Halifa­x ay pinakawalan lulan ang mga Pinoy at isang Bulgarian­ crew matapos na harangin at tangayin ng mga pirata sa karagatang sakop ng Port Harcourt sa Niger Delta.

Sa ulat ng Nigerian Maritime Administration and Safety Agency (NIMASA), natunton ng Nigerian Navy ang nasabing barko noong Sabado ng umaga sa Niger­ Delta.

Iniiskortan na umano ang barko at mga tripulante nito habang patungo sa pampang ng Port Harcourt. Nasa maayos ng kalagayan ang mga napalayang Pinoy­.

Show comments