2 bagyo tatama ngayong Nob.

MANILA, Philippines - May dalawang bagyo na tatama sa bansa nga­yong Nobyembre.

Ayon PAGASA, may isang sama ng panahon o shallow low pressure area (SLPA) ang kanilang minamanmanan ngayon na maaaring maging ganap na bagyo na nasa bahagi ng Eastern Samar.

Sinabi ni Jun Galang, forecaster ng PAGASA, ang naturang SLPA ay nasa layong 450 hilagang sila­ngan ng Borongan Eastern Samar na pinag-iibayo pa ng Inter­-Tropical Convergence Zone.

Kapag naging bagyo, ito ay tatawaging Sendong.

Kahapon, dumanas ng mga pag-uulan ang eastern­ Luzon, hilagang silangan ng Mindanao gayundin ang Metro Manila  na malamang na tumagal hanggang sa susunod na linggo.

Show comments