2 bagyo tatama ngayong Nob.
MANILA, Philippines - May dalawang bagyo na tatama sa bansa ngayong Nobyembre.
Ayon PAGASA, may isang sama ng panahon o shallow low pressure area (SLPA) ang kanilang minamanmanan ngayon na maaaring maging ganap na bagyo na nasa bahagi ng Eastern Samar.
Sinabi ni Jun Galang, forecaster ng PAGASA, ang naturang SLPA ay nasa layong 450 hilagang silangan ng Borongan Eastern Samar na pinag-iibayo pa ng Inter-Tropical Convergence Zone.
Kapag naging bagyo, ito ay tatawaging Sendong.
Kahapon, dumanas ng mga pag-uulan ang eastern Luzon, hilagang silangan ng Mindanao gayundin ang Metro Manila na malamang na tumagal hanggang sa susunod na linggo.
- Latest
- Trending