Anak ni Recom pasado sa NY Bar exam
MANILA, Philippines - Ipinagmalaki ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang anak nitong si Atty. Juan Crisostomo “Juris” Echiverri dahil sa pagkakapasa nito sa katatapos na New York Bar Examination na ginanap ngayong taon.
Ayon kay Mayor Recom, walang pagsidlan ang nararamdaman nitong kasiyahan nang makarating sa kanyang kaalaman na pumasa ang anak nito na si Juris sa New York Bar Exam na isa sa mga pinapangarap ng mga abugado dito sa ating bansa.
Si Juris na nagtapos ng kanyang abugasya sa University of the Philippines (UP)-Diliman at kumuha naman ito ng kanyang masters in law sa University of Pennsylvania hanggang sa makapasa ito sa New York Bar Exam.
Bukod dito, nagtapos din si Juris ng Bachelor of Science, Major in Management sa Ateneo de Manila University (ADMU) kung saan din nito tinapos ang kanyang primary at secondary education na may karangalan.
- Latest
- Trending