^

Bansa

Binay sa mga jobseeker: Ban sa 41 bansa sundin

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Nanawagan si Vice President at Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers’ (OFW) Concerns Jejomar C. Binay sa mga Pilipinong nagha­hanap ng trabaho sa ibang bansa na sundin ang deployment ban na ipinataw ng Philippine Overseas Employment Administration sa 41 bansa.

“Walang saysay,” sabi ni Binay. Idiniin niya na walang mekanismo sa pangangalaga sa dayuhang mga manggagawa ang naturang mga bansa kaya ipinagbabawal na ang pagpapadala roon ng mga overseas Filipino worker.

“Hindi natitiyak ang inyong kapakanan at ka­rapatan sa mga bansang ito kaya kapag nagkaroon ng problema, mahihirapan ang ating gobyerno na makatugon kaagad,” paliwanag ng Bise Presidente na siya ring tagapangulo ng Presidential Task Force Against Illegal Recruitment at chairman emeritus ng Inter-Agency Council Against Traf­ficking.

Binalaan din niya ang publiko laban sa mga pekeng trabaho sa ibayong-dagat.

“Maging alerto din tayo sa mga nangangako ng trabaho lalo na sa mga bansang nasa listahan ng POEA. Ipagbigay alam agad sa amin para wala nang mabiktima,” sabi pa niya.

May 41 bansa ang ini­lista ng POEA bilang non-compliant o yaong hindi naggagarantiya sa  proteksyon ng mga manggagawang Pilipino alinsunod sa Section 3 ng amended Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995.

Itinatadhana sa section 3 na ang isang receiving country ay dapat na merong umiiral na mga batas na nanganga­laga sa mga manggagawa kabilang na ang sa mga migrante o dayuhang manggagawa.

Dapat ding lumagda sa isang kasunduan sa pangangalaga sa mga manggagawa ang bansang nais kumuha ng OFW.

BINAY

BISE PRESIDENTE

CONCERNS JEJOMAR C

INTER-AGENCY COUNCIL AGAINST TRAF

MIGRANT WORKERS AND OVERSEAS FILIPINOS ACT

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

PRESIDENTIAL ADVISER

PRESIDENTIAL TASK FORCE AGAINST ILLEGAL RECRUITMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with