^

Bansa

Katutubo irespeto - Tañada

Nina - Butch Quejada/Gemma Garcia -

MANILA, Philippines - Hinimok ni House De­puty Speaker Lorenzo Tañada­ ang lahat na ibi­gay ang kaukulang res­peto sa mga indigenous  o ka­tutubo at gawin itong sandigan ng pakikisalamuha at pakiki­pag-ugnayan sa kanila sa usaping pang-gobyerno.

Ayon kay Tañada, wala nang ibang hiling pa ang mga katutubong kapatid natin kundi ang bigyan sila ng kaukulang respeto bilang kapwa mamamayan at kapwa Filipino.

Wika ni Tañada sa mga mamamahayag ng Bicol Region sa pagbisita niya doon kamakailan, ang mga katutubo ay may mga tradisyon na kanilang minana sa mga ninuno at malaki ang naitutulong nito sa ating bansa.

Dahil dito, karapatda­pat aniyang igalang ang mga ito.

Niliwanag nito na ang mga batas at ordinansa sa pag-aalaga sa kalika­san ay halos kailan lang ipi­natupad ngunit ang mga katutubo, daan-daang taon na ang nakalilipas mula nang sinabuhay nila ang pagkalinga sa kali­kasan.

Sa “Depensa Bill” na inihain ng beteranong mambabatas, nakatuon ito sa paghihikakayat sa mga LGU na gumawa ng plano na maghahanda sa kanilang komunidad laban sa naka-ambang panga­nib na dulot ng climate change at global warming.

Wala na tayong panahon na dapat saya­ngin dahil nararamdaman na natin ang unti-unting pag-init ng kapaligiran, ang mahabang tag-ulan, malawakang pagbabaha at nakadadarang na temperatura sa tag-init, babala pa ni Tañada.

AYON

BICOL REGION

DAHIL

DEPENSA BILL

HINIMOK

HOUSE DE

NILIWANAG

SHY

SPEAKER LORENZO TA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with