Mag-asawang Ligot susulpot sa korte

MANILA, Philippines - Nangako ang mag-asawang si dating AFP comptroller Jacinto Ligot at asawang si Erlinda na sila ay susulpot sa arraignment ng Court of Appeals sa Nobyembre 16 ng taong ito para harapin ang kanilang kasong tax evasion.

Kaugnay nito, tiniyak din ni Atty. Emiliano Bantog, abogado ng mag-asawa na walang balak ang mga kliyente na magtago sa batas o talikuran ang apat na kaso ng tax evasion dahil napag-usapan na nila anya ito at tiniyak na haharapin ang asunto.

Una nang pinabulaanan ni Bantog na nag­tago ang mag-asa­wang Ligot matapos na magpalabas na warrant of arrest ang CTA. 

Kamakalawa ay lumitaw ang mag-asawang Ligot at naglagak ng piyansa para pansamantalang makalaya.

Show comments