^

Bansa

8 pekeng human rights victims timbog!

Nina - Joy Cantos, Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Arestado sa operas­yon ng Philippine National Police-Criminal In­vestigation and Detection Unit ang isang mag-asawa na nagre-recruit ng mga tao para magpanggap na human rights victims noong panahon ni da­ting pangulong Ferdinand Marcos­ at makapag-claim ng pera.

Kinilala ni Police Chief Insp. Renato Ocampo, Dep. Chief, Anti-Fraud-CIDG, ang mga suspect­ na sina Edward at Mar­lyn Santiago na itinuturong ‘recruiter’ na siya umanong nagre-recruit ng mga matatanda na magkukunwari namang mga biktima noong Martial Law.

Ayon kay Ocampo, modus operandi ng mag-asawa na kumuha ng mga matatanda at gagamitin para ma-withdraw ang $1,000 o P43,200 na bayad-pinsala sa mga namatay nang claimants.

Magugunita na naipanalo ng abogadong si Robert Swift ang 10 million-dollar compensation para sa mga biktima ng human rights noong panahon ng administrasyong Marcos at ibibigay ito sa mga pamilya ng mga biktima.

Pero, peke pala ang ilan sa mga nakikinabang sa mga perang ito, dahil sa halip na ibigay sa mga lehitimong pamilya ay inooperate ito ng mag-asawa sa pamamagitan ng pagkuha sa mga matatanda na magpapanggap na be­neficiaries.

Kabilang dito sina Aling Felicidad Bulilan, 61, ng Caloocan City na nagpanggap na alyas Conchita Simbahan.

Ayon kay Aling Felicidad, nagpadala umano siya sa mga manloloko para may maipambili ng gamot sa maysakit na asawa. Dala ng kahirapan ay pumayag siya na kahit P1,500 lang ang ibigay sa kanya mula sa pagwi-withdraw ng pera sa RCBC Muñoz.

Bukod kay Aling Feli­­cidad, walo pang mata­tanda ang inimbitahan ng tropa ng CIDG para sa kaukulang imbestigasyon matapos maaresto sa isinagawang operasyon sa may tapat ng Mercury drug store sa Edsa, Muñoz sa lungsod, ganap na alas-4:30 ng hapon.

Nabawi sa mga suspect ang isang Innova at mga cheke ng mga claimant at mga pinaniniwalaang mga pekeng IDs tulad ng postal IDs.

Samantala, personal ding nagtungo sa nasabing himpilan si Atty. Rod Domingo, kilalang human rights lawyer na sinasabi ng mag-asawang Santiago na direkta nilang ka­kilala.

Ayon naman kay Atty. Domingo, kilala niya ang mga suspek pero kung papaanong makakapag-withdraw ang mga ito mula sa mga namatay ng claimants ay hindi niya umano nalalaman.

Kakasuhan ng CIDG ng paglabag sa Presiden­tial Decree 1869 o Increasing penalty for certain forms of swindling or Estafa.

ALING FELI

ALING FELICIDAD

ALING FELICIDAD BULILAN

AYON

CALOOCAN CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with