MANILA, Philippines - Sinisi ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang Land Transportation Office (LTO) kung bakit nairerehistro pa ng huli ang mga 15-year-old na mga pampasaherong bus.
Sa ilalim ng batas, ang mga passenger bus na may 15 taon na ay hindi na maaaring maipasada sa lansangan dahil tinatagurian na itong “rolling coffin”.
Kinuwestyon ng LTFRB kung bakit napapalitan ng LTO ang year model ng isang 15-year old na sasakyan upang magmukhang modelo kayat tuloy pa rin ito sa pamamasada dahil nairehistro ng LTO.
“Nagtataka nga ako kasi walang nangyayaring phase-out sa mga 15-year old na mga bus kasi nga ang ginagawa ng LTO, nireremodel nila ito, isasailalim sa rehablitasyon tapos iisyuhan ng LTO na road worthy ang sasakyan so walang nangyayaring phase-out,” pahayag ng isang opisyal ng LTFRB na ayaw pabanggit ang pangalan.
Anya, walang magawa ang LTFRB na makapasada ang ganitong uri ng sasakyan dahil nairehabilitate na ng LTO, napalitan ng makina at nairehistro ng LTO.