Populasyon sa Pinas lolobo pa
MANILA, Philippines - Umapela ang dalawang mambabatas kay Pangulong Aquino na hikayatin na ang Kongreso na ipasa ang kontrobersyal na Reproductive Health (RH) bill dahil sa pangambang patuloy na tumaas ang populasyon sa Pilipinas.
Sinabi nina Sulu Rep. Nur-Ana Sahidulla at AGham party list Rep. Angelo Palmones, ang populasyon ng buong mundo ay umaabot na sa P7 bilyon kung saan ang Pilipinas ay ang pang-12 sa pwesto.
Panawagan ng dalawa kay PNoy na tapusin na ang debate sa RH bill at agad na itong pagbotohan sa Senado at Kamara at ang pag-iindorso umano ng panukala sa mga miyembro ng Liberal Party (LP) ay masisiguro ang pagpasa nito.
Naniniwala si Palmones na kapag naipasa ang RH bill ay maituturing itong “greatest legacy for maternal care,” ni Pangulong Aquino.
Sa panig naman ni Sahidulla, ang RH measure ay malaking tulong sa gobyerno upang makaiwas sa malaking epekto ng mabilis na paglobo ng populasyon sa Pilipinas na nasa 94.9 milyon na.
- Latest
- Trending