OFWs bawal sa 41 bansa
MANILA, Philippines - Ipinag-utos ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang pagpapatupad ng deployment ban sa may 41 bansa dahil sa kawalan umano ng garantiya para sa kapakanan ng mga overseas Filipino workers (OFWs).
Sakop ng deployment ban ang mga bansang 1. Afghanistan; 2. Antigua and Barbuda; 3. Barbados; 4. Cambodia; 5. Cayman Islands; 6. Chad; 7. Croatia; 8. Cuba; 9. North Korea; 10. Dominica; 11. East Timor/Timor Leste; 12. Eritrea; 13. Haiti; 14. India; 15. Iraq; 16. Kyrgyzstan; 17. Lebanon; 18. Lesotho; 19. Libya; 20. Mali; 21. Mauritania; 22. Montenegro; 23. Mozambique; 24. Nauru; 25. Nepal; 26. Niger; 27. Pakistan; 28. Palestine; 29. Serbia; 30. St. Kitts and Nevis; 31. St. Lucia; 32. St. Vincent & the Grenadines; 33. Sudan; 34. Swaziland; 35. Tajikistan; 36. Tonga; 37. Turks and Caicos; 38. Tuvalu; 39. US Virgin Islands; 40. Vanuata at 41. Zimbabwe.
Sa isang resolusyon ng POEA Governing Board, sinabi nito na dapat na mayroong labor laws o conventions ang mga naturang bansa para sa proteksiyon ng mga migrant workers.
Nilinaw naman ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na nais lamang masiguro ng POEA Governing Board na ang mga OFW ay maipapadala sa mga bansa kung saan protektado ang kanilang mga karapatan, alinsunod sa batas. Ayon pa kay Baldoz, maliit lamang ang magiging epekto ng naturang ban lalo na’t ang mga bansang kasama sa listahan ay hindi naman ikinukonsiderang major receiving countries.
- Latest
- Trending