MANILA, Philippines - Matapos ang ilang araw na bakasyon o semestral break ay kailangan ng maghanda para sa muling pagbubukas ng klase sa lahat na pampublikong paaralan sa elementarya at high school bukas (Nobyembre 3).
Sa DepEd Memo No.28 series of 2011 na ipinalabas ni Education Secretary Armin Luistro, ang semestral break sa lahat ng public schools sa bansa ay hanggang ngayong araw na ito lamang.
Ayon kay Luistro, kailangan na makumpleto ng mga mag-aaral ang 180 teaching-learning days kaya dapat ng pumasok ang mga estudyante sa kani-kanilang paaralan bukas.
Sa kabuuang 180 school days, 202 dito ay gagamitin sa iba’t bang asignatura habang ang nalalabing 22-araw ay nakalaan sa national at local event at mga pagdiriwang, national, division at regional achievement test.
Kung napatagal naman aniya ang suspensiyon ng klase sa mga lugar na sinalanta ng bagyo at baha ay dapat na gumawa ang mga school officials ng paraan upang mabawi ang mga araw na hindi sila nakapasok sa klase.
Nagsimula ang sem break noong nakalipas na Oktubre 26.