^

Bansa

Provincial jail ni-raid ng NPA

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga rebeldeng New People’s Army ang sub-provincial jail sa ba­yan ng Oras, Eastern Samar kahapon ng umaga.

Ayon kay P/Chief Inspector Apolonio Borata, dakong alas- 8:30 ng umaga nang sumalakay ang mga rebelde na nakasuot ng fatigue uniform ang nasabing piitan na may 1-kilometro ang layo mula sa Poblacion.

Kaagad na dinis­armahan ang mga bantay kung saan aabot sa 59 presong nakakulong ay hindi naman idinamay.

Samantala, bukod sa mga armas ay kinumpiska rin ang laptop at cellphone ng isa sa tatlong guwardiya kung saan tumagal lamang ng 10 hanggang 20-minuto ang nasabing harassment.

Agad namang ru­mesponde ang tropa ng Philippine Army at elemento ng pulisya subalit hindi na inabutan ang mga rebelde na nagsitakas patu­ngo sa direksyon ng Barangay Kalawit.   

AYON

BARANGAY KALAWIT

CHIEF INSPECTOR APOLONIO BORATA

EASTERN SAMAR

KAAGAD

NEW PEOPLE

PHILIPPINE ARMY

SAMANTALA

SINALAKAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with