MANILA, Philippines - Napaslang ang tatlong bandidong Abu Sayyaf matapos makipagsagupaan sa tropa ng militar sa kagubatan ng Mt. Tukay, Barangay Karawan sa bayan ng Indanan Sulu kahapon ng umaga.
Sa ulat ni P/Chief Supt. Buenvenido Latag, regional director for the Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), naganap ang engkuwentro bandang alas-6:30 ng umaga.
Kung saan sinagupa ng militar na may backup na tatlong Philippine Air Force OV-10 Bronco ang grupo nina Akmadul Jumdail, alyas Doc. Abu, JI Marwan, JI Mauwiyah.
Narekober naman ang tatlong bangkay ng Abu Sayyaf, dalawang M-16 Armalite Rifles, M14 rifle at isang cal. 45 pistol.
Habang sinusulat ang balitang ito ay patuloy pa rin ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at grupo ng bandido.