PNoy ngayon dadalaw sa puntod nina Cory, Ninoy
MANILA, Philippines - Ngayon dadalaw si Pangulong Benigno Aquino III kasama ang kanyang mga kapatid sa puntod ng kanilang mga magulang na sina dating Sen. Ninoy Aquino at dating Pangulong Cory Aquino sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, minabuti ni Pangulong Aquino na ngayon (Oct. 31) bumisita sa puntod ng kanilang magulang upang hindi na makasabay sa dagda ng tao sa Nov. 1.
Nilinaw din ni Usec. Valte, bagama’t walang naging official schedule ang Pangulo mula Oct. 29-Nov. 1 ay naging abala pa rin ito sa mga ‘paper works’.
Samantala, ilang araw pa bago ang mismong araw ng mga patay, nagsimula nang dumalaw ang mga Pinoy sa puntod nina dating Pangulong Cory at dating Sen. Ninoy Aquino sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.
Nabatid na maya’t maya ang pagdating ng mga tao kaya’t halos mapuno na ng mga bulaklak at kandila ang puntod ng mag-asawang Aquino.
- Latest
- Trending