^

Bansa

'No money' policy sa OFWs na nasa death row, binira

- Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Binatikos ng grupong Migrante ang administrasyong Aquino dahil sa pinaiiral na “no money” policy para sa mga OFWs na nasa death row.

Ito’y matapos aminin ng Malacañang na nagbigay ng halagang P5 mil­yon si Pangulong Aquino sa grupong Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa kabila naman ng tila pagbibingi-bingihan nila sa panawagan ng mga Pinoy na nakatakdang isalang sa bitayan sa Saudi Arabia at iba pang bansa.

Ayon kay John Leo­nard Monterona, regional coordinator ng Migrante Middle East, hanggang sa kasalukuyan ay wala pang naiaabot na tulong ang gobyerno habang nagmamakaawa ang Pinoy na si Rogelio ‘Dondon’ Lanuza na mailigtas siya sa bitayan.

“Comparatively speaking, the Aquino govt. is much more insensitive to the plight of our OFWs on death row compared to the previous administration,” diin ni Monterona.

Magugunita na noong Hulyo 20 ay binuo ng Pangulo ang isang technical working group upang bumalangkas ng mga hakbang para sa pagbibigay ng blood money sa mga Pinoy na nasa death row. Peo hanggang ngayon ay wala pa silang konkretong desisyon kaugnay sa usaping blood money.

“We came to know recently and by all indications, the Aquino gov’t don’t want to spent even a single centavo for OFWs blood money, specifically helping OFW Lanuza, who has been in jail for 11 long years after his conviction for accidentally killing a Saudi sometime on August 2000,” ayon pa kay Monterona.

Nabatid na pumayag ang aggrieved party na tumanggap ng P35 mil­yong blood money kapalit ng kalayaan ni Lanuza.

AQUINO

AYON

JOHN LEO

LANUZA

MIGRANTE MIDDLE EAST

MONTERONA

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PANGULONG AQUINO

PINOY

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with