Deployment ban sa Libya nananatili
MANILA, Philippines - Patuloy pa rin umiiral ang deployment ban sa bansang Libya.
Ang anunsiyo ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Carlos Cao ay bunsod ng impormasyon na may ilang illegal recruiter ang umiikot ngayon at nangangalap ng mga aplikante patungo ng Libya.
Ayon kay Cao, nakataas pa rin ang deployment ban sa Libya at hindi pa tiyak kung magiging maayos na ang sitwasyon sa naturang bansa.
Sa ngayon ay wala pa silang inilalabas na job order sa ibang trabaho patungo ng Libya maliban sa mga medical professionals. Aniya, mas mainam na hihintayin ang announcement mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) ukol sa pag-aalis ng deployment ban.
Bukod sa Libya nakataas pa rin ang deployment ban sa Nigeria at Lebanon.
- Latest
- Trending