MANILA, Philippines - Pinag-iingat ni Regional Director Eduardo Janairo ng Department of Health Center for Health Development (DOH-CHD- MM) ang publiko hinggil sa pag-inom ng pinakulong tubig kung saan sinasabing hindi na rin ito ligtas na inumin.
Ayon kay Janairo, hindi naman kailangan na matagal ang pagpapakulo sa iinuming tubig dahil posibleng tira-tira na lamang ng pagpapakulo o boiling process ang tubig na nagtataglay ng aluminum particles at iba’t ibang uri ng kemikal na kinabibilangan ng lead at mercury.
Ipinaliwanag ni Janairo na mali umano ang paniniwala na mas ligtas na inumin ang tubig kung matagal ang pagpapakulo rito.
Sabi ni Janairo na kailangan lamang na pakuluin ang tubig kung kinakailangan at kung may emergency cases.
Sa katunayan, hindi dapat na ginagamit ang aluminum kettle o container sa pagpapakulo ng tubig na iinumin at sa halip ay mas mainam ang palayok.
Sa sandaling kumulo, mainam na hayaan muna itong lumamig bago inumin.