^

Bansa

Operasyon ng Customs vs smugglers pinatindi

-

MANILA, Philippines - Pinatindi pa ng Bureau of Customs (BOC)–District Intelligence and Investigation Service, Manila International Container Port (CIIS-MICP) ang kanilang operasyon laban sa kargamento ng isang bigtime “player” (broker/importer) na nakatago sa isang bonded warehouse sa Valenzuela City.

Nabatid na dalawang linggo nang binabantayan ang nasabing bigtime “player” ng MICP agents na armado ng mission order at hinihintay na lamang ang Letter of Authority (LOA) mula sa opisina ni Customs Commissioner Ruffy Biazon para tuluyang mapasok ang bodega.

Gayunman, nababahala ang mga BOC employees na kontra sa korapsyon dahil baka mapunta sa wala ang operasyon dahil na rin umano sa “pakikialam” ng isang alyas “Rolly Sagrado” na nagpapakilalang “ga­lamay” umano siya sa opisina nina Biazon at Customs Intelligence Group chief, Gen. Danny Lim.

Ayon sa grupo, hindi magawang pasukin ng MICP agents ang bodega matapos na “ipitin” at “itago” ni alyas Sagrado ang LOA na inaprubahan ni Biazon. Ang bodega ay puno ng raisins na nagkakahalaga ng P100 milyon.

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIAZON

CUSTOMS INTELLIGENCE GROUP

DANNY LIM

DISTRICT INTELLIGENCE AND INVESTIGATION SERVICE

LETTER OF AUTHORITY

MANILA INTERNATIONAL CONTAINER PORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with