Ex-ARMM gov., 2 pa kulong

MANILA, Philippines - Kinatigan ng Korte Suprema ang naunang desisyon ng Sandiganbayan kung saan napatunayang guilty sina dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) governor Zacarias Candao at dalawang iba pa sa kasong malversation of public funds na nagkakahalaga ng P21 milyon.

Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Martin Villarama ng SC First Division, pinagtibay ng mataas na hukuman ang hatol ng Sandiganbayan noong Oktubre 29, 2008 laban sa dating regional governor. Habang ang petition for review on certiorari na inihain naman ni Candao ay ibinasura dahil sa kakulangan ng merito.

Bukod kay Candao, hinatulan ding guilty para sa 11 bilang ng malversation of public funds sina Abbas Candao at Israel Haron.

Base sa desisyon, makukulong ang mga respondent ng 10 hanggang 17 taon para sa bawat bilang ng paglabag. Hindi na rin umano sila papayagang humawak ng anumang posisyon para sa pamahalaan.

Pinagmumulta rin ang mga ito ng P400,000 hanggang P500,000 para sa bawat bilang ng naging paglabag.

Show comments