Parusa sa magnanakaw ng cellphones, atbp. hihigpitan

MANILA, Philippines - Hihigpitan na ng Kamara ang parusa sa mga nagnanakaw ng mga cellular phones at iba pang portable communications gadgets.

Sa House bill 5403 ni Laguna Rep.Maria Evita Arago, nagpahayag ito ng pag­kabahala dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng krimen na may kaugnayan sa snatching at pangho-holdap ng cellphone at iba pang gadgets kung saan karamihan umano sa mga biktima ay nasusugatan at namamatay.

Sa ilalim ng panukalang anti-theft and robbery portable communications devices act of 2011, nais ni Arago na gawing maximum o mas mataas pa ang parusa na ipapataw sa mga lalabag sa nasabing batas.

Sa kasalukuyang batas ang kaparusahan sa magnanakaw ay hindi sapat kayat patuloy na nagsisilbing banta sa personal na seguridad ng publiko ang mga magnanakaw ng cellphone at gadgets.

Show comments