^

Bansa

Abdusalam, et al bilang na araw; Basilan isusunod sa air strike

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines -  Bilang na ang mga araw ng grupo ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Commander Waning Abdusalam kaugnay ng isinasagawang air at ground operations ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar sa Payao, Zamboanga Sibugay.

Ito ang inihayag kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director Gen. Nicanor Bartolome kaugnay ng operas­yon upang mapanagot sa batas sina Abdusalam na may warrant of arrest sa kasong kidnapping for ransom, murder at extortion. 

Target ng strike operation sa Zamboanga Sibugay ang MILF renegades na sangkot sa serye ng pag-atake sa Basilan, Zamboanga Sibugay at Lanao del Norte na ikinasawi ng 35 katao, 25 rito ay mga sundalo na nagsimula noong Oktubre 18.

Sinabi ni Bartolome na napapalibutan na ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar ang kuta nina Abdusalam sa Sitio Talaib, Brgy. Balatan sa bayan ng Payao habang bantay sarado rin ang karagatan sa mga elemento ng Philippine Navy at Special Action Force ng PNP.

Kabilang pa sa sisilbihan ng warrant of arrest ang Jakaria brothers na sina Potot at Ogis gayundin sina Furuji Indama, Long Malat, Laksaw Dan Asnawi at walo pang kasamahan ng mga ito.

Inihayag naman ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr. na handa silang magsagawa ng operasyon sa Basilan at kung magtago sa idineklarang Areas of Temporary Stay (ATS) ng MILF ang mga tinutugis na wanted ay papasukin nila ito sa pakikipagkoordinasyon sa Coordinating Committee on Cessation of Hostilities at Ad Hoc Joint Action Group.

Samantala, inihayag ni Chief Supt. Elpedio de Asis, Provincial Director ng Zamboanga Sibugay na ipinatupad na ang curfew sa buong lalawigan kaugnay ng puspusang operas­yon upang malansag ang grupo ni Abdusalam. 

vuukle comment

ABDUSALAM

AD HOC JOINT ACTION GROUP

AREAS OF TEMPORARY STAY

ARNULFO MARCELO BURGOS JR.

BASILAN

CESSATION OF HOSTILITIES

CHIEF DIRECTOR GEN

CHIEF SUPT

COMMANDER WANING ABDUSALAM

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with