MANILA, Philippines - Matinding trapiko ang mararanasan ng motorista sa Metro Manila mula ngayon hanggang Huwebes kaugnay ng pagbisita ni Vietnamese President Truong Tan Sang.
Humingi na kaagad ng pang-unawa ang Palasyo sa mga motorista dahil sa trapikong idudulot kaugnay sa isasagawang re-routing mula ngayon hanggang Huwebes.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ang mga apektado ng trapiko ngayon (Oct 26) ay ang Osmeña Highway, Quirino Avenue, Roxas Blvd., Padre Burgos, Finance Road, Ayala Blvd. at General Solano St.
Bukas, Oct. 27 ay apektado rin ng matinding trapiko ang kahabaan ng Roxas Blvd., Quirino Ave., Osmeña Highway gayundin ang Skyway route.
Ito ang kauna-unahang state visit ni Vietnam Pres. Sang sa Pilipinas kaugnay na rin ng ika-35 taong anibersaryo ng bilateral relations ng Pilipinas at Vietnam.