MANILA, Philippines - Kinondena ng militanteng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang planong isulong ang pagpapalit ng makina ng jeep sa LPG (liquified petroleum gas).
Sinabi ni Piston Secretary General George San Mateo, wala silang paniwala at garantiya na dapat palitan ang makina ng jeep sa LPG upang makatipid sa gastusin sa patuloy na pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo.
Anya, hindi makokontrol ng pamahalaan ang tumataas na halaga ng produktong petrolyo laluna ng diesel na gamit ng mga jeep.
Binigyang diin ni San Mateo na dagdag gastos lamang ang pagpapa-convert ng makina mula diesel para gawing LPG na umano’y pagkakakitaan lamang ang 240,000 jeepney units nationwide dahil nagkakahalaga ng P300,000 hanggang P350,000 ang makina ‘pag na-convert sa LPG.
Sinabi ni San Mateo na kailangan lamang na ma-regulate ang presyo ng produktong petrolyo sa bansa at pag-alis sa VAT sa langis upang mabigyang daan na maibaba ang presyo ng gasoline at diesel sa bansa at hindi sagot dito ang conversion ng makina para gawing LPG.