^

Bansa

Palit makina ng jeep sa LPG kinontra

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines -  Kinondena ng militanteng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang planong isulong ang pagpapalit ng makina ng jeep sa LPG (liquified petroleum gas).

Sinabi ni Piston Secretary General George San Mateo, wala silang paniwala at garantiya na dapat palitan ang makina ng jeep sa LPG upang makatipid sa gastusin sa patuloy na pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo.

Anya, hindi makokontrol ng pamahalaan ang tumataas na halaga ng produktong petrolyo laluna ng diesel na gamit ng mga jeep.

Binigyang diin ni San Mateo na dagdag gastos lamang ang pagpapa-convert ng makina mula diesel para gawing LPG na umano’y pagkakakitaan lamang ang 240,000 jeepney units nationwide dahil nagkakahalaga ng P300,000 hanggang P350,000 ang makina ‘pag na-convert sa LPG.

Sinabi ni San Mateo na kailangan lamang na ma-regulate ang presyo ng produktong petrolyo sa bansa at pag-alis sa VAT sa langis upang mabigyang daan na maibaba ang presyo ng gasoline at diesel sa bansa at hindi sagot dito ang conversion ng makina para gawing LPG.

ANYA

BINIGYANG

KINONDENA

LPG

OPERATORS NATIONWIDE

PINAGKAISANG SAMAHAN

PISTON SECRETARY GENERAL GEORGE SAN MATEO

SAN MATEO

SINABI

TSUPER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with