OFWs dapat magpasuri ng dugo

MANILA, Philippines - Ipasuri ang lead le­vels ng dugo ng mga emple­yado.

Ito ang paghihikayat ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz sa bawat kumpanya alinsunod na rin sa ipinag-uutos ng US Department of Health and Human Services’ Center for Disease Control and Prevention sa Occupational Safety and Health Center (OSHC).

Ayon kay Baldoz para na rin ito sa kapakanan ng mga OFWs at agad na makapagpagamot kung   kinakailangan.

Aniya, ang mga OFWs ay kailangan na ingatan dahil nakikipagsapalaran lamang ang mga ito upang makaahon sa buhay kapalit ang paglayo sa kanilang mga pamilya.

Kailangan kasing matiyak kung ligtas ba sa mga nakalalasong kemikal gaya ng lead, cadmium at mercury ang dugo ng isang empleyado.

Ang mataas na lead content ay maaaring magdulot ng anemia, nervous system dysfunction, problema sa kidney, hypertension at problema sa pagbubuntis.

Show comments