^

Bansa

French nat'l 'di sinipot ng Pinay gf, nagwala sa NAIA

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Nagwala ang isang French national sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 arrival extension matapos niyang ipaghampasan ang kanyang dalang laptop at camera sa semento dahil hindi siya sinipot ng kanyang syotang Pinay ng dumating ito galing Paris via Saudi Arabia sakay ng eroplanong Saudia Airlines, kahapon.

Kinilala ng mga awtoridad sa paliparan ang nagwalang banyaga na si Fremond Dominique Albert George, 55.

Ayon sa mga naka-saksing well-wishers sa arrival extension, ilang beses tinatawagan ni George ang isang Michelle sa kanyang cellphone at nagtatanong pa ito sa mga tao doon kung may babaeng naghahanap sa kanya pero ng ilang oras na ang nakalipas ay bigla na lamang itong nagwala sa nasabing lugar.

Dahil sa pagwawala ni George ay bigla itong nag-collapse kaya naman dinala ito sa airport medical clinic para malapatan ng kaukulang lunas.

“We able to talk to French embassy official and confirmed to us na may Filipina girlfriend nga si George kasi maybe time difference ang Philippines and France kaya di sila nagkita,” ayon naman sa mga doktor.

vuukle comment

AYON

DAHIL

FILIPINA

FREMOND DOMINIQUE ALBERT GEORGE

KINILALA

MICHELLE

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINES AND FRANCE

SAUDI ARABIA

SAUDIA AIRLINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with