^

Bansa

Hero's welcome sa 11 sundalo

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Gagawaran ng hero’s welcome ang 11 sa 19 sundalong napaslang sa bakbakan sa Al Barka, Basilan noong Martes ka­ugnay ng nakatakdang pag­dadala sa bangkay ng mga ito sa himpilan ng Philippine Army sa Fort Bonifacio ngayon o sa susunod na mga araw.

Ayon kay AFP-Public Affairs Office Chief Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., inaayos na ang mga labi ng 11 sa 19 nasawing mga sundalo habang iniha­handa na rin ng Philippine Army ang paglalagakan sa labi ng mga ito.

Sinabi naman ng mga opisyal ng Philippine Army na bahagi ng kanilang Standard Operating Procedure (SOP) na gawaran ng hero’s welcome ang mga bayaning sundalong nagbuwis ng buhay para sa bayan.

Nabatid na 11 lamang sa mga bangkay ang da­dalhin sa Army Headquarters na mga residente sa Luzon habang ang iba naman ay taga Mindanao at Visayas.

Kabilang sa mga na­sawi sina 1st Lt. Colt Al­siyao, 1st Lt. Frank Junder Caminos, 1st Lt. Vladimir Maninang ng Philippine Military Aca­demy (PMA) Class 2007; 2nd Lt. Jose Delfine Khe, Sgt. Ronald Sta. Rita, Sgt. Bonifacio Mabalot, Cpl. Roderick Cabanua, Pfc. Mark Ted Quiban, Pfc. Reny Arciaga, Pfc. Romel Ondovilla, Pfc. Roberto Recafranka, Pfc. Jones Regor, Pfc. Jobert Miguel, Pfc. Jordan Olivar, Pfc. Emerson Tugas, Pfc Ervin  Dequito, Pfc Jordan Magno, Pfc. Dennis Bolan at Pvt. Garry­ Colonia.

AL BARKA

ARMY HEADQUARTERS

ARNULFO MARCELO BURGOS JR.

BONIFACIO MABALOT

COLT AL

DENNIS BOLAN

EMERSON TUGAS

PFC

PHILIPPINE ARMY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with