^

Bansa

MILF pulbusin na!

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Dapat na umanong tigilan ng gobyerno ang pagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at pulbusin na lamang ang bandidong grupo sa gitna ng ginawa nilang pagpatay sa 19 na sundalo sa Basilan kamakalawa.

Gusto rin ni Senate President Juan Ponce Enrile na sibakin kaagad ni Pangulong Aquino si Presidential adviser on the peace process Secretary Teresita “Ding” Deles kung igiit pa rin nitong ituloy ang peace process.

“My God that Deles should be fired if she insists on a peace process that she cannot handle,” sabi ni Enrile.

Ayon kay Enrile, wala ng saysay ang peace talks dahil hindi naman iginagalang ng MILF ang ceasefire.

Sinabi ni Enrile na hindi kikilos o aatake ang unit ng MILF sa Basilan kung wala itong clearance­ mula sa pinakamataas nilang lider.

Dapat umanong igiit ng gobyerno sa mga lider ng MILF na isuko ang mga may kagagawan sa pagpatay ng mga sundalo kung nais pa ng mga itong isulong ang usapang pangkapayapaan.

Naniniwala rin si Enrile na hindi na kailangan pang konsultahin ang international peace keeping force mula sa Malaysia dahil gobyerno ang dapat kumilos sa problema.

Sinabi ni Enrile maliwanag na ginigiyera na ng MILF ang republika sa ginagawa nilang pagpatay sa mga sundalo.

Maging si dating Senator Aquilino “Nene” Pimentel Jr. ay naniniwalang wa­lang ginagawa si Deles upang isulong ang kapa­yapaan sa Mindanao.

“Secretary Deles? Is she still alive?” biro ni Pimentel sa isang press conference.

BASILAN

DAPAT

ENRILE

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MY GOD

PANGULONG AQUINO

PIMENTEL JR.

SECRETARY DELES

SECRETARY TERESITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with