Valenzuela City nakiisa sa 20-taon ng LGC
MANILA, Philippines - Nakiisa ang Valenzuela City sa pagdiriwang ng ika-20-taong anibersaryo ng Local Government Code (LGC) sa pamamagitan ng pagbahagi ng outstanding achievement sa pamamahala na naging dahilan para kilalanin ang siyudad ng Valenzuela bilang Best Governed Highly Urbanized City sa buong bansa sa nakaraang 2010 Local Governance Performance Management System report ng Department of the Interior and Local Government.
Ipinagmalaki ni City Mayor Sherwin T. Gatchalian na tumayong keynote speaker ang People, Peace and Order and Pupil (PPP) na siyang resulta ng mabuting pamamahala ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela.
Ang PPP ang pinakabuod ng proyekto at programa ng lungsod sa ilalim ni Mayor WIN na nagprisinta kung papaano nakamit ang mataas na kita sa pamamagitan ng pagpapaigting ng tiwala sa mga taxpayer sa paraan ng adbokasiya tungo sa transparency at accountability. “The advocacy for lasting peace and order which turned the City into one of the The World Bank and the International Finance Corporation’s Business Friendly Cities in the country for the year 2011 out of 25 Cities and 183 economies compared, and as safer, conducive and economically viable city to live in was also part of the presentation,” pahayag pa ni Mayor WIN.
- Latest
- Trending