P8-M nalimas sa 2 kawani ng DSWD
MANILA, Philippines - Umaabot sa P8 milyon ang natangay ng tatlong notoryus na holdaper matapos harangin ang service vehicle at holdapin ang dalawang kawani ng lokal na sangay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Maharlika Highway sa Tacloban City, Leyte kahapon ng umaga.
Sa phone interview, sinabi ni Tacloban City PNP director P/Supt. Wilson Caubat, bandang alas-8:20 ng umaga nang maganap ang krimen sa Maharlika Highway sa Barangay Calibaan.
Lumilitaw na lulan ng Toyota pickup ang mga biktimang sina Vilma Aguilar, chief Management Division ng DSWD Region 8 at Costino Goco nang harangin ng mga armadong kalalakihan saka isinagawa ang krimen.
Gayon pa man sa follow-up investigation, hindi tumatugma ang pahayag nina Aguilar at Goco sa testimonya ng mga pedicab driver at ilan pang testigo na nagsabing walang naganap na holdapan sa oras na sinabi ng dalawa.
Lumilitaw naman na ang nasabing pera ay pang-deposito sa banko na iniuwi ni Aguilar sa kanilang bahay at plano umanong ideposito kahapon ng umaga nang holdapin.
“Maraming inconsistencies sa kanilang statement, the area is highly populated pero walang witness na mag-corroborate ng testimony nila, they (Aguilar and Goco) are under investigation for possible inside job,” ayon pa sa opisyal.
- Latest
- Trending