MANILA, Philippines - Mahigit sa 16,000 nagnanasang makapagtrabaho sa gobyerno ang dumagsa sa iba’t-ibang lugar na pagdadausan ng Civil Service examination para makiisa sa pagsusulit kahapon.
Sa lungsod Quezon lamang, tinatayang aabot sa 1,000 katao ang kumuha ng pagsusulit sa may Carlos Albert High School sa Brixton Hills, ganap na alas-6 ng umaga.
Ang Civil Service exam, professional o sub-professional, depende kung ang kukuha ng pagsusulit ay college graduate ay tatagal ng halos tatlong oras habang ang sub-professional namay ay gugugol ng dalawa at kalahating oras.
Ang pagsusulit ay kinapapalooban ng verbal, analytical at numerical skills, gayundin ang kaalaman sa Philippine Constitution, ay isa sa pangunahing kailangan para maging empleyado ng gobyerno.